Monday, October 20, 2008

Friendship

para sayo!
anu ba ang basihan ng tunay pagkakaibigan o kaibigan ?
basihan ba ang estado ng buhay?
di kaya sa pagmumukha or sa porma para in ka sa tropa?
ang isang tunay kaibigan ba dapat bang laging tapat sayo?
dapat sa lahat ng oras na kailan mo nanjan siya para sayo?
ang tunay kaibigan ba ay kenikwenta yung mga bagay na gasta niya?
sapat na ba mga katanongan na yan para malaman
ang kung anu ang basihan ng tunay na pagkakaibigan or isang tunay na kaibigan.

para sa akin ang tunay na kaibigan o pagkakaibigan
ay wala sa estado ng buhay sa porma or sa mga bagay na binahagi.
ang tunay na kaibigan o pagkakaibigan ay hindi nag hihintay na kapalit,
sa oras na kailan mo sila nanjan lang sila para tulongan ka
sa masama man o mabuti, pero walang kaibigan na iuodyok ka
sa masamang gawain.
ang isang kaibigan handang makinig sa problema mo at gabayan ka
sa wastong dereksyon, wag kang matakot na pagtawanan ka nila ng dahil
sa nangyari sa buhay mo o pinagdaan mo,
ikwento mo sa kanila ang problema mo at maiintidihan ka nila
at lalo sila hahanga sayo dahil nalalampasan mo mga pagsubok na
dumadaan sayo o di humingi ka ng payo para malampasan mo yung
mga dagok na pinagdaanan mo.

sa isang pagkakaibigan hindi maiiwasan ang mga pagsubok na dumadating,
dapat na kayo ay matatag at hindi ka agad bumibitiw, isipin niyo yung
mga panahon na inyong pinagsamahan, kahit hindi gaano katagal o matagal na
kayo nag sasama isisipin ninyo yun upang hindi masira ang pasasamahan niyo.
mahalaga sa isang pagkakaibigan ang tiwala sa isa't isa upang ang pasasama niyo
ay maging matatag at di kaya tibagin ng anung pagsubok na dumating.

ang pagkakaibigan ay hindi kaya tumbasan ng anu mang mga kayaman sa mundo o pera.
dahil ito'y hindi napapalitan ng anu man, ito'y naka tatak sa puso't isipan natin
at hindi na ito mabubura pa kailman man.

hindi ko kailangan ng isang kaibigan ng dahil sa pera o anu man.
ang gusto kung kaibigan ay totoo sa sarili at malakas ang loob.
hindi importante mayaman man o mahirap basta may tiwala lang
at aasahan niyang hindi ko sisirain yun.
yan ang matatawag kung kaibigan!

No comments: